Thursday, November 10, 2016

talata

TALATA


Sa pagsasama ng dalwang mag asawa ay may buong katapatan nilang hinarap ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Ang pagsasama nila ng sampung taon ay hindi man lang pinagkaluoban ng anak na maaari nilang pagmanahan ng kanilang pangalan at malinis na kaluoban. Si Virginia ay asawa ni Rodin at sila ay sampung taon ng kasal at sampung taon naring walang anak. pinagkaluoban sila ng magandang pamumuhay at nasusunod lahat ng layaw o kagustuhan.



Ang mag asawa ay nanalig sa panginoon na sila ay magkaroon ng anak. Ginawa na nila ang pamimintakasi kina San Pascual at Santa Clara ngunit nabigo sila. Ang kalungkutan ng mag asawa ay nawalan ng pananalig sa huling kaligayahan at Naisipan nilang mag pagamot sa Doktor at buong tapang nilang hinarap ito. bunga ng kanilang malinis na pagsasama nakaramdam ulit ang mag asawa ng isang kasiyahan ng nag dadalang tao si Virginia.



Nang nailuwal na ang sangkol ang tuwa ni Rodin nang banggitin sa kanya na isa na siyang ama ng batang lalaki at ginawa ni Rodin ang lahat para sa kanyang anak na magmamana ng kayang pangalan. Ngunit sa kabila ng lahat sinabi ni Virginia na hindi nila ito anak at bunga siya ng sari saring gamot. Ang puso ni Rodin ay hindi halos maintindihan na parang litong lito sa pangyayari halos araw at gabi siyang lumuluha sa sakit. Ang pagdududa ng asawa sa sanggol ay nag bunga ng pag babago sa kanila na siyang ''Bunga ng kasalanan''.


Ang pagdududa sa batang sanggol ay dumating sa puntong patayin ito. Ang walang katapusang pananalangin sa panginoon ay nabigyan linaw ang mag asawa na ang batang sanggol ay kanilang tunay na anak. At ito ay hindi isang '' bunga ng kasalanan'' sa pananalig sa diyos ang mag asawa ay naliwanagan. Naging tahimik na muli ang kanilang pagsasama at nabubuhay sila ng mapayapa kasama ng batang sanggol na lalaki. Ang sanggol na inakalang '' bunga ng kasalanan.

repleksyon

  REPLEKSYON


Ang mapupulot na aral sa kwentong ito ay ang mag karoon ng takot sa panginoon na siyang nag bibigay ng mga pagsubok saating buhay.  katulad nalang ng kwentong ito na sa dami ng pinagdaan ay hindi sila nawalan ng pag asa. at nakaroon pa sila ng lakas at tibay ng loob upang masulusyonan ang lahat ng hirap na kanilang pinagdaan. Ang pagsasama ng mag asawa ay hindi matatawag na isang pamilya kung wala silang anak. Ang pananalig sa panginoon ay nararapat lamang bigyan ng kahalagahan. Ang pagdududa ang siyang dahil ng pagkasira ng isang magandang samahan ng mag asawa. Salamat sa ating panginoon na siyang ating bantay at gabay sa araw araw nating pamumuhay dito sa mundo. kaya wag nating kalimutan ang padadasal at pananalig sa panginoon.

buod

     BUOD  


 Ang mag asawang si Rodin at Virginia ay sampung taon nang kasal, ngunit sa sampung taon iyon ay hindi sila biniyayaan ng anak. Si Virginia ay isang babaing madasalin at may takot sa panginoon diyos. Ang kanilang magandang pagsasama at kalagayan sa buhay ay may kakulangan. at ito ay ang magkaroon ng anak ng siya mag mamana ng pangalan ng kayang magulang at ng mga ari arian. Sa tagal ng panahon ng kanilang pagsasama ay wala pa silang anak. Si Virginia ay isang babaing gusto maranasan ang pagiging ina dahil sa sampung taon ng pag sasama nila ni Rodin ay hindi man lamang sila nagkaanak. si Virginia ay hindi man lang nakaramdam kahit minsan ng kaligayahan ng magiging ina. Ang mag asawa ay halos nawalan na ng pag asa. dahil ang tangin kaligahan nila ay mag karoon ng anak. kahit na ang kanilang pamimintakasi kina San Pascual at San Clara sa Ubando ay hindi parin sila nabibiyayaan ng anak. Sa kabila ng lahat ng ginawa nila at naisipan nilang mag pagamot sa Doktor. at dito siya nag karoon ng pag asa sa buhay. At ngayon ay nag dadalang tao na si Virginia sa kayang pag hihirap na mag karoon ng anak ay nagyari ito. Nagsilang si Virginia ng isang malusog na sanggol bunga ng kanilang katapatan sa pagsasama. Sa haba ng panahon ay nabiyayan rin  sila ng anak na mag mamana ng pangalan ni Rodin.


Ngunit sa biyayang pinag kaloob ng panginoon sa kanila ay naging daan upang pagdudahan ang pangyayari. Inisip nila na hindi kaloob ng panginoon diyos ang sanggol na isinilang ni Virginia. at  inisip nila na ito ay isang ''bunga ng kasalanan'' Dumating sa puntong muntik nilang patayin ang sanggol at siya ay ''bunga ng kasalanan'' subalit ang kanilang isipan ay naliwanagan at ang batang isingilang ni Virginia ay totoong anak niya. Napanatag ang mag asawa at namuhay na muli ng tahimik. ang saya ni Rodin ay hindi mapagtatto. at ngayon ay masagana na muli ang kanilang pagsasama dahil sa anak nila na inakala nilang ''bunga ng kasalangan''